GenSan Blues Festival

12/14/2013 Hector Miñoza 0 Comments


Blues lovers keep their passion alive by attending festivals where they listen to people who aren’t famous Blues stars. For this reason, blues fans enjoy listening to the amateurs just as much as they enjoy listening to the professionals.
Ang tinagurian “blues” ay isa sa pinakapopular genre music sa Pilipinas noong dekada sisenta, at ang “rock music” ang s’yang naging sangay na malikhain para sa mga musikero sa larangan ng Pinoy music industry. Noong panahon ng dekada sisenta, mabenta ang rock music dahil sa ginawang promotion ng Jingle Magazine na naging popular din bilang unofficial freedom wall ng mga aktibista laban sa Martial Law days.



Ang Himig Natin

Malaki ang naging-influence ng Juan Dela Cruz band sa larangan ng Pinoy Rakenrol. Kaya marami ang naging malaya sa pag-iisip kahit sa pagkanta ay walang takot magpahiwatig ng mga bumabagabag sa kalooban.

Isa sa mga Pinoy rock hit jingle na nagpalaganap ng blues genre ay Ang Himig Natin – na naging sagisag at inspirasyon ng mga kabataang musikero noong sumapit ang dekada otsenta. Kaya’t hangang ngayon patuloy ang pagtangkilik nito sa blues music – hindi lamang ang mga rakenrol band, kundi pati narin ang mga nag-sa-soundtrip.


Umpisang mabuo ang GenSan International Blues Festival sa Facebook noong nakaraang taon at ito'y kinabibilangan nina: Allan Cabardo (of Brooklyn, New York), James Jubelag (who is now based in Stockholm, Sweden), Pio Valdez (of Sticky Stones), Richard Nuñeza (of France), Tom Alzona (of New Zealand), Gumer Liston at Glen Valdez (of Cebu).

Ang unang blues festival sa Gensan ay nagsimula sa open blues jam sa isang sikat na music bar na pag-aari ng kaibigang musikero na si Gefford Sumaylo sa General Santos City noong nakaraang taon. Dahil sa positive feedback mula sa audience, napagkasundoan ng mga musikero na ipagpatuloy ang kanilang advocacy at gawing annual event ang nasabing blues festival sa Gensan.

The impulse to keep to yourself what you have learned is not only shameful, it is destructive. Anything you do not give freely and abundantly becomes lost to you.”
-- Annie Dillard, The Writing Life

See below more photographs about the 2nd GenSan International Blues Festival, or visit my Flickr album

0 comments: